banaterongbinata
HAHAHAHAHAHAHAHA. natawa ako. pero pag-iisipan ko pa.
HAHAHAHAHAHAHAHA. natawa ako. pero pag-iisipan ko pa.
Gusto ko ng bagong id sa twitter. Suggest naman kayoooooo. which includes my first name dex / dexter. thanksssssss
Ang sweet mo! Bihira lang ako makatanggap ng ganito, isang mahabang message na hindi ko inaasahan. Na-appreciate mo pala yung simpleng bagay na nagawa ko. Ang sarap sa pakiramdam, may natulungan pala akong tao sa ganun bagay. Oo, hihintayin ko yung araw na magkikita tayo at magkwekwentuhan. :D Ingat ka din lagi. :* >:D<
Kagabi bago ako matulog, inaasahan ko na magbabago pa ang rankings sa senatorial positions. Pagkagising ko, ganun pa din! Walang pagbabago, hindi naman sa minamaliit ko yung mga nasa top 12 o dahil wala lang dun yung mga gusto ko na binoto ko na sa tingin ko ang karapat dapat na nasa senado. Nadidismaya talaga ako sa resulta. Hindi naman to’ simpleng bagay lang, usapang pambansa na to’. Yung gagawa ng bagong laws o kaya magrereview ng bills ang ihahalal na’tin pero yung mga possibleng mananalo. Nako! Sana magbago pa talaga. Kung sila na talaga ang mananalo, sana may makita tayong pagbabago sa pilipinas.
This is sweet. I rarely recieve this kind of message. :)
Ang bilis lang ng pagboto ko, konti lang din na kasi ang nakapila. Swerte na din kasi meron sa loob ng subdivision namin na voting station kaya hindi na namin kailangan pa pumunta kung saan buong barangay ang nakarehistro dun. Pagkapunta ko sa precint ko, akala ko kailangan pa ng voter’s id kasi naiwanan ko. Buti na lang at may picture yung listahan. May chix dun na botante, pero hanggang tingin lang ako. hihi! Tinanong ko pa si ate na nagbabantay kung kailangan pa bang 12 ang iboto ko sa senador kasi bilang lang talaga sa isang kamay ang iboboto. Nagtanong lang naman talaga ako sa kanila kasi cute sila, DA MOVES lang. HAHAHAHA. Habang umupo na ako para magfill-out ng ballot sheet, pagtingin ko sa harapan eh nakatingin si ate. Ikaw ahh. Feeler lang. HAHAHA. Sana manalo yung mga binoto at may makita akong pagbabago sa Pilipinas. :)